Patuloy na ipinapakita ni Mayor Rommel Magbitang ang kanyang suporta sa mga programa ng Office of the Provincial Agriculturist, kabilang ang nakatakdang Integrated Fisheries and Aquatic Resources Management Council (IFARMC) Regular Monthly Meeting sa Liga ng mga Barangay Office, Naic, Cavite.
Layunin ng pagpupulong na pag-usapan ang mga panukalang resolusyon, standard operating procedures sa oil spill claims, at iba pang usaping may kinalaman sa pangisdaan at yamang-tubig ng bayan.
Sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculturist and Biosystems Engineer Office (OMABE), nananatiling aktibo ang Lokal Pamahalaang Bayan ng Naic sa pagtutulungan upang mapanatili ang maayos at produktibong sektor ng agrikultura at pangisdaan para sa lahat ng Naicqueño.



