Nagsilbing sentro ng pagkakaisa ang Bayan ng Naic nitong February 24, 2026, sa ginanap na Regular Monthly Meeting ng Cavite Mayors' League sa Torres Farm Resort, Barangay Sabang.
Sa mahalagang pagtitipong ito, masiglang nakiisa at aktibong nakilahok si Mayor Rommel Magbitang upang pangunahan ang pagtanggap sa mga kapwa alkalde at makibahagi sa mga estratehikong talakayan para sa ikabubuti ng buong lalawigan.
Ang bawat hakbang na tinalakay ay nakatuon sa pagpapalawak ng mga inisyatibong direkta at ramdam ng bawat Naicqueño. Ang ganitong mga pagkakaisa ay patunay na sa pamamagitan ng mas maayos na sistema at tapat na malasakit sa kapwa, masisiguro ang mas matatag at mas ligtas na pamayanan para sa ating lahat.



