Naganap nitong February 24 sa Mayor's Office Conference Room para sa Local School Board Meeting. Kasama ang patuloy na pagsuporta ni Mayor Rommel Magbitang, tinalakay ang Proposed Supplemental Budget at iba pang mahahalagang usapin upang masigurong sapat at maayos ang suportang inilalaan para sa sektor ng edukasyon sa ating Bayan ng Naic.
Dahil ang kinabukasan ng bawat batang Naicqueño ang ating pangunahing inspirasyon, patuloy nating pinagtitibay ang mga programa at pasilidad sa ating mga paaralan. Sa pamamagitan ng ating pagtutulungan at malasakit, sinisiguro nating bawat mag-aaral ay may sapat na kagamitan at pagkakataon na linangin ang kanilang galing at talino para sa isang mas maliwanag na bukas.



