Ang Training-Workshop on Understanding Risk Exposure Maps ay matagumpay na idinaos noong Pebrero 25, 2026 sa pakikipagtulungan sa DENR-MGB Region IV-A.
Dumalo
Sa pangunguna ni Municipal Administrator Rodolfo Uy III at sa ilalim ng dedikadong pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang, nakiisa ang mga Punong Barangay mula sa coastal areas at mga lokal na opisyal upang masusing pag-aralan ang mga hakbang para sa kaligtasan ng bayan ng Naic laban sa baha at landslides.
Layunin
Ang gawaing ito ay patunay ng pagsisikap na maging mas handa at alerto sa anumang hamon ng kalikasan. Sa pag-unawa sa mga mapa, napapatatag ang proteksyon ng bawat Naicqueño at sinisiguro na ang Bayan ng Naic ay laging may sapat na kaalaman para sa seguridad at katahimikan ng mga pamilya.



