Paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution

Ngayong araw, nakikiisa ang buong Bayan ng Naic sa paggunita sa makasaysayang tagumpay ng sambayanang Pilipino. Ang diwa ng EDSA ay paalala na ang tunay na kapangyarihan ay nagmumula sa pagkakaisa at malasakit ng bawat mamamayan para sa kalayaan at kinabukasan ng bansa.

Patuloy nating isabuhay ang mga aral ng pagkakabuklod-buklod upang mapanatili ang isang matatag at mapayapang komunidad. Sa pagkakaisa ng bawat Naicqueño, masisiguro natin ang isang bayang may dangal at malasakit para sa lahat.