Zumba Competition

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women's Month, inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Naic ang lahat ng women groups at organizations na makilahok sa Zumba Competition na gaganapin sa March 9, 2026 sa Bayan ng Naic.

Mga Kinakailangan at Panuntunan

  • Bukas ito sa mga grupong may 8–12 miyembro.
  • Kinakailangang residente ng Bayan ng Naic ang lahat ng kalahok.
  • Magtatanghal ang bawat grupo ng 3–5 minutong Zumba routine na may upbeat at empowering music (malinis at hindi nakakasagasa ng damdamin).
  • Ang mga routine at kasuotan ay dapat disente at angkop para sa lahat ng manonood.
  • Hindi pinahihintulutan ang paggamit ng props.

Registration

  • Registration Period: February 26 – March 4, 2026
  • Registration Venue: GAD Office, Municipality of Naic
  • Limited Slots: 8 groups lamang

Makilahok at makiisa sa selebrasyon ng kakayahan, lakas, at pagkakaisa ng kababaihan sa Bayan ng Naic.