Ang Regional Launching ng Nutrition Month Celebration sa PuroKalusugan Farm to Table for Good ay ginanap sa Municipality of Naic.

Ginanap ito nitong Martes, Hulyo 15, 2025, sa Naic Covered Court, Brgy. Capt. C. Nazareno.

Ayon sa Rural Health Unit (RHU), 437 kababayan ang nakiisa sa programa kung saan iba't ibang libreng serbisyong medikal ang kanilang natanggap.

Kabilang dito ang libreng bakuna para sa mga buntis, PWD, senior citizen at mga bata.

Bilang ng nagpatala

Flu vaccine:

  • Senior: 130

  • PWD: 73

  • With comorbidity: 41

  • Family planning: 11 women of reproductive age

  • Non-communicable diseases services with meds: 63

  • Child immunization: 20

  • Nutrition services: 100

  • CBC HIV test for pregnant women: 37

Lubos naman ang pasasalamat ng ating mga kababayan sa programang ito, handog ng Department of Health katuwang ang RHU.