Isang malaking karangalan para sa Bayan ng Naic ang pagkamit ni Jhucel Del Rosario ng Gawad Fernando Amorsolo Honor Roll sa idinaos na Gawad Teodora Alonso.
Bilang guro ng Malainen Bago Integrated School at aktibong miyembro ng DepEd Pool of Illustrators, patuloy na ipinapakita ni Jhucel Del Rosario ang kahusayan, talento, at dedikasyon sa larangan ng edukasyon at sining.
Ang tagumpay na ito ni Jhucel Del Rosario ay patunay na ang mga Naicqueño ay may mahalagang ambag hindi lamang sa paaralan kundi pati sa mas malawak na komunidad. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa kabataan at kapwa guro na patuloy pagyamanin ang talento at malasakit sa edukasyon.
Ipinagmamalaki ng Bayan ng Naic si Jhucel Del Rosario!
