Isang Regional Level Most Wanted Person sa kasong Rape (Article 266-A, Revised Penal Code) ang naaresto ng Naic Municipal Police Station dakong 5:30 PM, Pebrero 4, 2026, sa Bayan ng Naic.

Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 132, Naic, Cavite, na may walang inirekomendang piyansa.

Ang insidenteng ito ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kaayusan sa komunidad. Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga awtoridad sa lokal na pamahalaan ng Bayan ng Naic para sa kaligtasan at kapayapaan ng mga Naicqueño.

Paalala

Maging mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad sa pag-uulat ng anumang kahina-hinalang pangyayari.