Nitong February 23, 2026, isinagawa ang Consultation Meeting sa Naic Municipal Hall sa patuloy na pagsuporta ni Mayor Rommel Magbitang kasama ang National Nutrition Council at Office of the Provincial Health Officer. Tinalakay ang estado ng malnutrisyon sa ating bayan upang makabuo ng mga epektibong hakbang para sa kalusugan ng bawat Naicqueño.
Feeding program
Sa pagtitipong ito, inilatag ang feeding program para sa mga "nutritionally at-risk pregnant women" at mga batang edad 6 hanggang 23 buwan. Layunin ng programa na pababain ang kaso ng malnutrisyon at tiyaking sapat ang nutrisyong natatanggap ng ating mga mamamayan para sa isang mas malusog na Bayan ng Naic.



