Naganap ang Field Walk on Techno-Demo on Rice Varietal Trial ngayong Abril 8, 2026 sa Malainen Luma, Naic, Cavite, sa pangunguna ng Office of the Municipal Agricultural and Biosystems Engineer at PhilRice CALABARZON, katuwang si Rodolfo P. Tibayan bilang farmer cooperator.
Layunin ng demo na ipakita ang mga makabagong pamamaraan at bagong variety ng palay na makakatulong sa mga magsasaka para sa mas masaganang ani at mataas na kita.



