Matagumpay na naisagawa ang Mandatory Training for Cooperatives nitong Sabado, Hulyo 19, 2025, sa Barangay Sabang Multipurpose Hall. Pinangunahan ito ni Mrs. Chona Guyagon, ang Municipal Development Cooperative Officer ng Naic.
Mga Dumalo
Dinaluhan ang training ng mga sumusunod:
- Pasinaya Pagsinag Neighborhood Enterprise Marketing Cooperative (PPNEMC)
- Greenfield Community Agriculture Cooperative (GCAC)
- Community Choice Agriculture Cooperative (CCAC)
Layunin
Layunin ng programa na palawakin ang kaalaman ng mga kooperatiba at patibayin ang pagsunod sa mga regulasyon upang mas maging maayos ang kanilang pamamalakad.



