Matagumpay na naisagawa noong Biyernes, Hulyo 18, 2025, ang Civil Society Organizations (CSO) Conference na ginanap sa Liga ng mga Barangay Hall.

Dinaluhan ito ni Yorme Rommel Magbitang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ilang opisyal ng lokal na pamahalaan, at iba't ibang grupo at organisasyon.

Tinalakay sa nasabing aktibidad ang mga aplikasyon ng iba't ibang grupo at organisasyon sa Naic na nagnanais maging katuwang ng Pamahalaang Bayan sa pagsusulong ng mga adbokasiya, kapayapaan, at pakikiisa sa mga proyekto ng pamahalaan.

Ikinagalak ni Yorme Rommel Magbitang ang naging daloy ng conference, dahil malaki umano ang maiaambag ng mga grupong ito bilang Police Force Multipliers. Tiniyak din niya ang buong suporta ng kanyang administrasyon sa mga organisasyong nagsusulong ng kapayapaan at makabuluhang adbokasiya para sa Bayan ng Naic.