Naganap ang Anti-Rabies Vaccination Drive para sa mga alagang aso at pusa sa Verdant Residence Covered Court nitong March 11, sa pangunguna ng Office of the Municipal Agricultural and Biosystems Engineer.

Bahagi ito ng patuloy na kampanya ng bayan ng Naic upang mapanatili ang kaligtasan at kalusugan ng komunidad laban sa rabies, kasabay ng paghikayat sa mga pet owners na maging responsable sa pangangalaga ng kanilang mga alagang hayop.