Inaanyayahan ang ating mga Naicqueño na makiisa sa Blood Donation Drive bilang bahagi ng pagdiriwang ng Blood Hero Month. Isang simpleng donasyon ng dugo ang maaaring magligtas ng buhay at magbigay pag-asa sa mga nangangailangan.
Magkita-kita tayo sa Marso 22, 2026, 9:00 AM sa Stadium Shopping Strip, Munting Mapino, Naic, Cavite, at sama-sama nating ipakita ang malasakit at bayanihan para sa ating kapwa.
