Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women's Month, nagkaroon ng pamamahagi ng Women's Kit sa Naic Municipal Hall sa pangunguna ni Dra. Rommelyn Magbitang, Chairperson ng Local Council for Women, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang.

Kasabay nito, nagkaroon din ng libreng gupit, manicure, at pedicure services para sa mga kababaihang Naicqueño sa Triple 8 Building, Barangay Sabang, bilang simpleng handog-serbisyo at pagkilala sa mahalagang papel ng kababaihan sa Bayan ng Naic.