Pagsasanay
Sa pagsulong ng Office of the Municipal Agriculturist and Biosystems Engineer (OMABE), naganap ang pagsasanay para sa mga Barangay Biosecurity Officers (BBO) mula sa iba't ibang barangay sa Bayan ng Naic. Tinalakay dito ang tamang pagkilala ng sakit, maayos na pag-report, at wastong disinfection upang mapanatiling ligtas ang ating mga alagang hayop, taniman, at komunidad.
Nitong Miyerkules, Disyembre 10, 2025, sa Slaughterhouse Building, Ibayo Silangan, Naic, Cavite.
Kahalagahan
Mahigit pang pinagtibay sa pagsasanay ang kahalagahan ng mabilis na koordinasyon at pagbabantay sa posibleng banta sa kalusugan ng mga Naicqueño. Patuloy ang pagtutulungan ng OMABE at ng ating mga BBO upang masiguro ang proteksyon ng kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda, at bawat Naicqueño.



