Muli nating ipakita ang tunay na diwa ng pagtutulungan! Inaanyayahan ang lahat ng Naicqueño na makiisa sa Barangay Ipon Dugo Campaign, isang makabuluhang hakbang para makatulong at makapagligtas ng buhay.
Sabado, Disyembre 13, 2025
Venue: Waltermart Sabang, Naic, Cavite
"Tulong mo, dugo mo, iligtas ang kapwa mo."
Unang 80 donors ay makatatanggap ng FREE T-SHIRT bilang pasasalamat sa inyong kabutihan.
Sa bawat patak ng dugo, may Naicqueñong mabibigyan ng pag-asa. Sama-sama nating ipakita ang puso ng ating Bayan ng Naic, handang tumulong, handang magbigay, handang magligtas.
Tara, Naicqueño! Mag-donate ng dugo at maging daan ng pag-asa!
