Sa pakikipag-ugnayan ni Mayor Rommel Magbitang kasama si Dra. Ma. Carolina P. Matel bilang Municipal Health Officer (MHO), naganap ang Local Health Board Meeting ng Bayan ng Naic noong Huwebes ng umaga, Disyembre 11, 2025, sa Amisa Medical Mission Hospital, Naic, Cavite.

Mga tinalakay

  • Disaster Risk Reduction and Management in Health Plan para sa taong 2026–2028, bilang bahagi ng pagbuo ng mas matatag at handang sistemang pangkalusugan para sa bawat Naicqueño.
  • Pag-adopt at pag-apruba ng resolusyong magpapatibay sa nasabing health plan.
  • Pag-amyenda sa LHB Resolution No. 09 s. 2025 na nag-eendorso sa ordinansang naglalayong palakasin ang tugon ng LGU laban sa dumaraming kaso ng Tuberculosis (TB) sa Bayan ng Naic.