Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan at paglabas ng Orange Rainfall Warning, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Naic sa Martes, Hulyo 22, 2025.
Ang hakbang na ito ay para sa kaligtasan ng bawat Batang Naic, guro, at magulang.
Para sa trabaho
- Para sa trabaho, nakadepende ito sa desisyon ng mga kumpanya kung itutuloy o hindi ang pasok.
- Sa mga tanggapan ng gobyerno, pareho ang treatment: suspended ang work, pero ang mga essential employees ay kailangang pumasok.
- Ang iba pang opisina ay bahala na ang head o officer-in-charge kung magtutuloy ang trabaho o hindi.
Muli, mag-ingat po tayong lahat. Hindi man natin makontrol ang panahon, pero kaya nating maghanda. Alagaan niyo ang sarili niyo at ang pamilya niyo. Walang mas mahalaga kundi ang buhay.
