Matagumpay na naisagawa noong Hulyo 18, 2025 ang "2025 Division Convergence in the Implementation of Support to Schools for Improved Learning Outcomes," na ginanap sa Trip 8 Building sa Brgy. Sabang, Naic, Cavite.
Pinangunahan ito ng mga Public School District Supervisor na sina Dr. Arnel Zapanta, Dr. Helen Aure, at Dr. Alma Lopez.
Dinaluhan din ito ni Yorme Rommel Magbitang, na nagbigay ng mensahe ukol sa mga hakbang at suportang gagawin ng pamahalaan upang mapabuti ang edukasyon ng mga batang Naic.
Nakasentro ang aktibidad sa Ulat ng mga Nagawa ng mga Tagapangasiwa ng Programa sa Edukasyon mula Enero hanggang Hunyo, na may kasamang:
- Pagsusuri
- Feedback
- Mga isyu at hamon
- Mga rekomendasyon
Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan, tiyak na matutugunan ang mga isyu sa edukasyon"Naic, Posible!"



