Quarterly Meeting ng LFMRNP Committee at TWG

Matagumpay na isinagawa ang Quarterly Meeting ng Local Farm-to-Market Road Network Plan (LFMRNP) Committee at Technical Working Group (TWG) na pinangasiwaan ng Office of the Municipal Agricultural and Biosystems Engineer (MABE). Naganap ito nitong Huwebes, Setyembre 25, 2025, sa Conference Hall ng NIA Cavite-Batangas Office, Ibayo Silangan, Naic, Cavite.

Layunin ng pagtitipon

Layunin ng pagtitipon na pagtibayin ang mga plano at proyekto para sa mas maayos na daloy ng ani at produkto ng mga magsasakang Naicqueño, at matiyak na direktang napapakinabangan ng bawat pamilya sa Bayan ng Naic ang benepisyo ng mga farm-to-market roads.