Bantay-panahon

Dahil sa Bagyong Opong, nasa Signal No. 2 ang Cavite ayon sa Tropical Cyclone Bulletin Nr. 13 na inilabas ng DOST-PAGASA.

Pinapayuhan ang lahat ng mga naninirahan sa mabababang lugar at tabing-dagat na simulan na ang maagang paglikas sa mga matataas na lugar o pinakamalapit na evacuation center sa ating barangay upang maiwasan ang malaking pinsala sa buhay at ari-arian.

Hindi pa rin humihinto sa pagmo-monitor ang ating lokal na pamahalaan katuwang ang ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa posisyon at lakas ng bagyo upang matiyak na ang bawat isa ay may sapat na impormasyon para sa kanilang kaligtasan.

Paalala sa mga NaicqueΓ±o

  • I-check ang balita sa opisyal na Facebook page.
  • Maghanda ng emergency kits.
  • Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
  • Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
  • Lumikas kung kinakailangan.
  • Huwag kalimutan ang ating mga alaga sa bahay na ilikas kung kailangan.

Mga emergency hotline

  • MDRRMO Hotline: 410-5725 / 0917-812-8186
  • Naic PNP Hotline: 0998-598-5621
  • BFP Hotline: 0956-4830-226 / 0956-4830-753
  • MHO Hotline: (046)-889-9316 / (046)-889-0499 / (046)-889-4504