Sa pangunguna ng Naic Municipal Police Station, katuwang ang Philippine National Police at Cavite Police Provincial Office, inilunsad noong Biyernes, Hulyo 18, 2025, ang programa ng "Ronda Patrol, Bantay Bayan," kung saan nakibahagi ang iba't ibang boluntaryong grupo mula sa Bayan ng Naic upang makiisa sa kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan.
Pinangunahan ang aktibidad nina PCADU Chief PLTCOL Ericson B. Nato, Naic MPS OIC PLTCOL Joven T. Bahil, at Mayor Rommel Magbitang, kasama ang mga kinatawan ng iba't ibang organisasyon.
Ang ganitong gawain ay patunay ng sama-samang pagkakaisa at pagpapalakas ng pagpapatupad ng batas upang mas epektibong matamo ang katahimikan at kaayusan sa Bayan ng Naic.
Pagkakaisa tungo sa kapayapaan, Naic, Posible!



