Pagpapaliban ng Medical Mission

Ipinapaalam sa lahat na ang Medical Mission for Women na nakatakda sana ngayong March 13, 2026 ay ipinagpapaliban.

Ito ay alinsunod sa memorandum mula sa Pangulo na nagdedeklara ng walang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa araw ng Biyernes.

Bagong iskedyul

Petsa Oras Barangay Venue
Lunes, Abril 13, 2026 8:00 AM hanggang 1:00 PM Halang Villa Adelaida Covered Court

Serbisyong pangkalusugan

Gayunpaman, bukas pa rin ang tanggapan ng Rural Health Unit (RHU) upang magbigay ng regular na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga Naicqueño.

Inaanyayahan pa rin ang ating mga kababaihang Naicqueño na makibahagi sa programang ito sa bagong iskedyul. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.