Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Naic sa pagdiriwang ng National Rabies Awareness Month bilang paalala sa bawat Naicqueño na patuloy na mag-ingat at maging responsable sa pag-aalaga ng ating mga alagang hayop.

Hinihikayat ang lahat na suportahan ang mga programang pangkalusugan tulad ng rabies vaccination, tamang pag-aalaga ng alagang hayop, at agarang pagpapatingin sa health center sakaling makagat o makalmot ng hayop. Sa sama-samang pagkilos ng komunidad, mapapanatili nating ligtas at maayos ang kalusugan ng bawat Naicqueño.