Matagumpay na napasimulan ang Buntis Congress 2025 na may temang “Sigla ng Ina, susi sa kinabukasan kaya ligtas na panganganak kanilang irarampa.”
Layunin nitong bigyan ng suporta at proteksyon ang ating mga Naicqueñang buntis upang masiguro ang ligtas na pagbubuntis at panganganak sa bayan ng Naic, noong Setyembre 25, 2025 sa Stadium Shopping Strip.
Mga serbisyong ipinamahagi
- Libreng laboratory tests
- Counseling
- Buntis kits (gamot, diapers, pads, at iba pa)
- PhilHealth assistance
Ang mga serbisyong ito ay nakatuon para sa kalusugan ng bawat ina at sanggol.
Pinangunahan ito ng Municipal Health Office (MHO) at Gender and Development Office, bilang patunay na sa Bayan ng Naic, ang kalusugan ng bawat pamilya ay tunay na prayoridad.



