Babala ng PAGASA-DOST
Sa babala ng PAGASA-DOST, maaaring maging Signal No. 3 hanggang Signal No. 4 ang buong Cavite habang lumalapit ang Bagyong Opong, na patuloy pang lumalakas at bumibilis patungo sa direksyong pa-kanluran hilagang-kanluran.
Inaasahan na lalapit o tatama ang bagyo sa CALABARZON, partikular sa Cavite, na magdudulot ng malakas na ulan, hangin, at mataas na alon. Hinihikayat ang mga naninirahan sa mabababang lugar at tabing-dagat na maghanda sa posibleng pagbaha at storm surge.
Paglikas
Ina-rekomenda sa mga naninirahan sa mabababang lugar at tabing-dagat na simulan na ang maagang paglikas sa mga matataas na lugar, at sa pinakamalapit na evacuation center sa ating barangay upang maiwasan ang malaking pinsala sa buhay at ari-arian.
Hindi humihinto sa pagmo-monitor ang ating lokal na pamahalaan katuwang ang ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa posisyon at lakas ng bagyo upang matiyak na ang bawat isa ay may sapat na impormasyon para sa kanilang kaligtasan.
Paalala sa mga NaicqueΓ±os
- I-check ang balita sa opisyal na Facebook page.
- Maghanda ng emergency kits.
- Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
- Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
- Lumikas kung kinakailangan.
- Huwag kalimutan ang ating mga alaga sa bahay na ilikas kung kailangan.
Emergency Hotlines
- MDRRMO Hotline: 410-5725 / 0917-812-8186
- PNP Hotline: 0998-598-5621
- BFP Hotline: 0956-4830-226 / 0956-4830-753
