Lagay ng panahon
Alinsunod sa Tropical Cyclone Bulletin Nr. 11, na inilabas ng DOST-PAGASA noong 25 Setyembre 2025, 5:00 PM, nanatili sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) Number 1 ang buong lalawigan ng Cavite dahil sa Bagyong Opong.
Pinapayuhan ang lahat ng mga naninirahan sa mabababang lugar at tabing-dagat na simulan na ang maagang paglikas sa mga matataas na lugar o sa pinakamalapit na evacuation center sa ating barangay upang maiwasan ang malaking pinsala sa buhay at ari-arian.
Patuloy ang pagmo-monitor ng ating lokal na pamahalaan katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa posisyon at lakas ng bagyo upang matiyak na ang bawat isa ay may sapat na impormasyon para sa kanilang kaligtasan.
Paalala para sa mga Naicqueños
- I-check ang balita sa opisyal na Facebook page.
- Maghanda ng emergency kits.
- Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
- Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
- Lumikas kung kinakailangan.
- Huwag kalimutan ang ating mga alaga sa bahay na ilikas kung kailangan.
Mga emergency hotline
- MDRRMO Hotline: 410-5725 / 0917-812-8186
- Naic PNP Hotline: 0998-598-5621
- BFP Hotline: 0956-4830-226 / 0956-4830-753
- MHO Hotline: (046)-889-9316 / (046)-889-0499 / (046)-889-4504

